Wednesday, March 04, 2009

di talaga kita susulatan ng tula!

takot akong matapos
ang tula sa bawat
pahiwatig ng pagdating
ng tuldok na magpapahinto
maski nung mga
di pa nasisimulan
kapalit nito ay ang
kuwit na nagdudugtong at
mga tandang pananong
na nagpapahaba ng
maiikling pagkakataon
pababayaan kong
umusad ang mga titik
umandar ang salita
at magpatuloy ang mga talata
upang magkaniig pa rin tayo sa
paghahabi ng isang
magandang kwentong ayoko
pang alamin ang katapusan