Tuesday, November 25, 2008

ayokong magsulat ng tula

isisi natin ito sa writer's block. :)

ito'y para sa mga taong may mga alaalang gustong balikan o hagilapin, pero dapat palayain. (yikeeee. kunwari emo tayo. kunwari makata ako. wehehe.)

AYOKO MAGSULAT NG TULA

Mahirap habulin
ang sumisigwa, sipiin ang
mga hindi mapigil maski
saglit para man lang may lingunin
ng sinumang hihinto at babalik.
Walang titik ang maaring tumumbas
sa kariktang may sariling daloy at sigwa.
Di ginagapos ang mga salitang
ni di kaya pasanin ng gunita.

Ayokong magsulat, gusto kong magpalaya.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home