Friday, June 06, 2008

doodles

Written sometime in 2006 (or 2007), found these on a dirty paper during a general room cleaning.
How could I have written these?
Ang ganda ah! (hahaha, pinuri ang sarili) Ambigat, haha.
----------------------------------------------------------

Yaong pigil sa tabil ng dilang madulas ang siyang magpapalayo sa aking kalooban. Bagaman nais kitang sigawan, dasal ko pa ring naiintindihan mo ang tahimik kong pakiusap.

Kung may paraan lang sanang maghilom – gagawin ko iyon kahit na mag-isa. Ngunit di kita kayang iwaksi.

Marahil isa ka nga sa mga pinakamabuti ngunit pinakamahirap liripin. Batid kong dapat kang panindigan, ngunit ang bigat mong dalhin. Sinubukan ko, pero tila yata nabigo. Sumugal ako, pero mahina akong makipaglaro – nang buong puso at lakas, ngunit mahina pa rin.

Kung maari lang sanang huwag magkubli sa bawat panahong pinipilit kong lumimot at magkunwari. Ngunit kailangang maging tapat, aanihim mo akong lito at wasak? Sa pagiging tapat, hindi ko rin pwede masabi ang lahat.

Alam kong may paraan ka upang malaman ang mga nais sabihin kahit ng aking mga mat Unawain mo sana ang di ko mapaliwanag na pagdurusa. Alam mo yun, alam ko. Di lang siguro natin (pwedeng) masabi.
Patawad sa katahimikan, patawad sa paglisan.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home