mapaglaro
ang galaw ng emosyon ay parang pakikipag-isa ng lamang-tiyan sa estado ng iyong sikmura.
Inis sa umaga. May hangover ng kinaing mapait o ininom na alkohol sa gabi. At dahil nasa tiyan mo na yun mula pa nung gabi, wala ka na ring magagawa. Kaya...
Parang wala lang sa tanghali. Aha, nangyayari yan pag tinunaw ng pilit ang inis.
At kung di tunaw nang lubos, may tira-tira't mumong makikita. At dahil nga mapait ang mainis, mapipilitan kang ibuga.
Ayos, nabitawan na sa bibig.
Nyek, akala mo tapos na yun.. hindi pa.
Pagdating ng hapon, makukunsensya. Iisiping dapat siguro nilunok na lang yung dapat na isinuka (alala mo yung aso sa Alamat ng Gubat? parang ganun).
Dun mo malalamang di ka naman pala dapat napaitan.
Sa pahanong iyo'y humupa na ang tiyan -- pero susundan ito ng matinding kalam.
Hahanapin mo rin yung kinain mo nung una.
Pagsisisihan mo rin kung bakit mo pa ibinuga. (hehehe kasalanan mo rin pala yun)
Hahahah. Buhay nga naman.
Labo. (*Batok sa sarili)
p.s. - ngayon ko lang naalala na hyperacidic pala ako. hehehe. (*batok uli sa sarili)
0 Comments:
Post a Comment
<< Home