Friday, November 24, 2006

now playing: tibak music

para sa mga yumakap na sumugal sa walang katiyakan...
silang may mga pinakataimtim na panalangin
silang may pinakamalagkit na titig sa mga butuin...


Lea
Buklod

May ningning pa ang mga bituin
Nagbangon na sila't handa nang salubungin
Yaong mga mangingisdang nagpalaot sa magdamag
Katulad ng marami pang kabiyak naroroon si Lea, naghihintay

Kilala nya ang kilos ng dagat
Kilala niya ang mga awit ng habagat
Saksi ang mga alon sa wagas ng pagsuyo
At sa tuwing pagdating ng sinta
Panglaw sa puso'y dagling naglalaho

Wala mang katiyakan, muling pagsasama
Natutunan na niyang mahalin ang pangamba
Natutunan na niyang mahalin ang paghihintay
Wala mang katiyakan, Naroroon si Lea, naghihintay

May ningning pa ang mag bituin
Nagbanong na siya't handa nang salubungin
Ang mahal na asawang lagi't laging lumilisan
Ang tubig sa kanyang mga mata
Maaring luha ng tuwa o pagdurusa
Wala mang katiyakan...

1 Comments:

Anonymous Anonymous said...

hi, i was looking for this lyrics kaya nakita ko blog mo...ang ganda ng mga katagang sinulat mo...
"para sa mga yumakap na sumugal sa walang katiyakan...
silang may mga pinakataimtim na panalangin
silang may pinakamalagkit na titig sa mga butuin..."

1:21 PM  

Post a Comment

<< Home