sa biyaya ng buhay
sa loob ng isang taon:
* marami kang pinaranas sa aking ang ilan ay di ko pa nga maintindinhan. matamis man o masaklap, itinuturing ko itong biyaya. salamat. wag kang mag-alala, walang humpay akong maninindigan.
* may mga responsibilidad kang pinapasan sa aking balikat. bagaman mahirap gampanan, salamat pa rin -- naniniwala ka sa aking kakayanan.
* binigyan mo ako ng mga pagkakataong ipagsabay ang isip at pandama. salamat sa mga taong dapat panindigan, at para na rin sa mga pinagpasyahan kong bitawan pansamantala -- dahil sa kanila'y naging dalisay ang pagpapakahulugan ko sa katapatan, katotohanan at kabutihan.
* sa mga munting anghel na bumubuo ng aking araw. salamat sa mga estudyanteng bukal sa loob ang kagustuhang matuto.
* itinuro mo sa akin ang tunay na kahulugan ng pag-ibig. inilabas mo ako sa magaang konsepto't binalibag sa katotohanang ito'y pinaghihirapan at hinihila sapagkat naka-angkla ito sa mabigat na batong kung tawagi'y "kabutihan". salamat sa pagpapa-alalang iiral ito sa kabila ng lahat ng hirap ngunit sa ngalan ng lamang kabutihan at walang humpay na paglago. salamat sa mga buhay na guro ng pag-ibig, sa mga buhay na biyaya, sa dahilan ng bawat tawa at pagpatak ng luha.
ang lahat ng ito'y nagpatanto na ako pala'y isang tao -- na sa kabila ng kahinaa'y lumalaban, sumusugal, nakikipagsapalaran, lumalago, nagmamahal. pinagdaanan ko ang lahat ng iyon para sa iyo, dahil sinabi mo.
salamat po sa walang sawang pag-alala sa iyong lingkod. salamat sa mga alaala at sa mga bubuuin pang alaala.
bagaman di naging madali ang buhay, salamat salamat salamat.
amen.
p.s. pero kung may paraang mapagaan, di rin naman po ako magrereklamo *hehehe (humirit pa eh)

0 Comments:
Post a Comment
<< Home