love is rational pala ha!
Break muna sa buhay-becaria.
Pagbigyan na ako't minsan lang naman ako maging sexist, hehe. Para talaga ito sa mga babae, lalo na sa mga philo-girls.
Madalas tayong biktima ng mga soap operas na kung saan mas determinado ang mga babae sa kung anumang gusto nila. Perhaps, I am stereotyping; but I find their male counterparts too silent for what they desire. To think, guys aren't really introverts. But it's strange on why guys in love stories cant be depicted the way they were in Braveheart, the Ocean's 11,12,13 (magbilang tayo...), Catch me if you can; and even in semi-mushy films like Dead Poets' Society, Patch Adams, etc. Where's the natural arrogance and tenacity?
Dalawang rason lang ang naiisip ko kung bakit tahimik ang isang lalake sa mga panahong alam niyang dapat siyang magsalita: di siya sigurado o nagpapaubaya lang. May mga panahong kagalang-galang ang katahimikan, pero minsan nagiging signos rin ito ng kawalan ng tadyang.
Nakakabilib, pero nakakainis rin makakita ng isang babaeng lumalaban, kasi ito lang ang paraan para makuha ang gusto niya. Applicable ba ito sa usaping love? Ewan ko. Di ko sigurado. May mga pagkakataon naman kasing di kailangan makipaglaban eh. Kailangan mo lang magmahal. Yun lang. Palagay ko, eto ang pinakamagandang resolusyon para sa mga babaeng minalas na umibig at umiibig dun sa mga "tahimik".
Tumatakbo ang prinsipyong ito sa kasabihang "walang laban kung wala namang dapat ipaglaban". Ewan ko na naman. Pwede naman kasing magmahal maski hindi umaangkin eh (enter the concept of "liberating love"! haha) Yung tamang pagkilala lang. Palagay ko sapat na yung pagmamahal para sa mga taong binuo na ang sarili nila bago mo pa man sila nakilala. Tama na yung suporta lalo na't isa yung "binuo" nila sa mga inibig mo. May mga pagkakataon lang talagang hindi mo kailangan kunin yung mga taong alam mong buong buhay mong maappreciate.
Ngayon naman, kapag sinabihan kang ikaw ang bubuo sa kanya -- nakakakilig pero ewan ko na naman -- alam ng lahat ng marunong mag-isip na wala kang pwedeng ibigay na makakakumpleto. Ang suporta ay isang uri ng pakikisabay, kumbaga may boses pa rin ang mang-aawit maski walang tugtog. Kung di maganda ang boses kung walang tugtog, di iyon problema nung tugtog. Kung sakali mang di niya kayang mabuo ang sarili ng wala ikaw, alalahaning di ka isang pader. Kaya siguro tahimik kasi wala syang anumang balak dahil ni mangarap di niya kayang gawin.
Walang mali na magkagusto. Pero palagay ko'y kailangan mag-ingat ng bawat babae. Walang masama sa pagmamahal, pero may paraan para ipakita ito nang hindi nilalaglag ang sarili. Ewan ko. Naranasan ko nang lumaban, pero minalas akong iwan ito nang hindi natatapos. Para akong napagod sa wala. Pero hindi naman siguro ibig sabihin nito'y di ko na kayang tumaya sa mga susunod na pagkakataon. Nabigyan lang ako ng mga importanteng leksyon.
Mahalagang magsimula ang kwento ng pag-ibig sa iyong sarili. Sa love, walang sisihan. Pero maski nagmula sa iyo, dapat walang pilitan. (Oo, para ito sa mga babae -- bahagi mo ang paghihintay) Siguro, pwede namang magpahiwatig - sa mga makakahulugang ngiti, sa pagiging mabait -- pero hindi mo papel ang panliligaw. Kapag na di na matiis at maipit ang feelings, pwede naman siguro magtapat - pero isa iyong sugal! Sukat iyon ng katapangan. Wag umibig para mabalikan -- kung lalampas ka ng kaunti, gawin iyon para lang sa pagbibigay. Sabi nga ni Sir Bong - pag nagmahal ka, okay na yun; pag minahal ka rin, bonus na yun.
Isa pa, yung unang ugali ng taong mamahalin ang kailangang tanggapin kapag nagmamahal. Kung ayaw mo ng sakit ng ulo, wag kang tumaya para dun sa mga alam mong may dapat pang baguhin - lalung-lalo kung alam mong ikaw ang magiging dahilan ng kanyang pagbabago. Hindi nagmamahal ang isang tao para maging naglalakad na rehab center.
Ang pagmamahal ay isang pagsuko ng pride, pero hindi ng dignidad.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home