Saturday, July 21, 2007

o kay gandang bungad

naranasan mo na bang...

mawala at umasang magiging maayos ang lahat dahil sa iyong pagbibigay luwag...
... para malamang wala naman palang nagbago?
maging isang mapagparayang pusa para lang puslitan ng kalokohan ng mga mahal mong daga?

kung gayon, anong saysay...
a. ng aking pagmamalasakit...
b. ng aking pag-alis...
c. ng aking pagbalik
d. ng aking tahimik na pananatili.
** kung bale wala maski na ang aking punto. pagod na akong magalit, manumbat, magilitan ng ugat sa leeg, magtiis.

wala akong inaasahang para sa akin, pero nakakapagod lang sigurong umasa kahit man lang sa kapakanan ng iba.
nakakapagod lang talaga ang di pakinggan. ganito lang siguro yun.
tsk, masakit pa rin pala. akala ko wala na.

o whattacomeback. tsk tsk.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home