si father honti (1923-2008)
Si P. Eduardo Hontiveros, SJ ang ama ng mga awiting pangmisa sa filipino, ang utak sa likod ng mga unang awiting pangmisa sa tagalog (Papuri Sa Diyos, Buksan ang ating Puso, Purihi't Pasalamatan) na sinundan ng mga relihiyosong musikero tulad nila P. Manoling Francisco, SJ at P. Arnel dC Aquino, SJ. Sa pagpasok ng Vatican II na nanghikayat na gawin ang misa sa wikang katutubo (bernakular), iniambag ni Fr. Honti ang mga awiting mas madaling sabayan at isapuso ng bawat pilipinong katoliko. Malamang sa hindi, likha niya yaong mga unang awiting pangmisa natutunan natin sa ating mga nakakatanda (sa kaso ko, kay mama at sa dalawa kong lola).
Ilan sa mga huling engkwentro ko kay Fr. Honti ay doon sa tribute concert para sa kanya noong 2001. Palagay ko, sya yaong matandang minsang natatanaw ko sa lhs pag bandang tanghalian na noong mga panahong nakikigamit ako ng kanilang library (yun ay sa mga panahong 2004-2005). Gayunpaman at bagaman di ako sigurado, pinasalamatan ko sya sa aking thesis (kasama ni fr. mano) dahil naging malaking inspirasyon ang kanyang musika.
Nakakalungkot malaman kay rinapie at kuya rai, sj na si Father Honti pala ay umuwi na sa piling ng ating Panginoon kahapon.
Salamat po Panginoon, sa pagpapala Ninyo sa amin ng katulad ni Fr. Honti.
Requiescat in pacem.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home