Wednesday, December 08, 2004

isang pagmamatapang


Unang tangka

(18 Mayo 2004, sa kwarto, minsang walang magawa)

Madilim na mukhang
aninag ang utak
na ginawang isaw.

Diwang naglalaro sa gitna
ng mapait na pagkabigo at matamis na kalayaan.

Pusong sugatan
at malayang kaluluwa.

Pisnging mapula’t may latay
ng magkapatid na pasmadong palad.

Kinakabag na sikmurang
binusog ng sumpa.

Sinalapid na paa’y
biglang natisod patihaya…
tapos noo’y dumapa.

Umagos ang luha
Tumawa nang bigla…
at sa huling sigwa ng basang muta…
humalik sa lupa…
…at sa wakas, namahinga.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home